Akusasyon vs. LP, Trillanes, ikinakalat PDF Print E-mail
Sunday, 20 December 2015 14:54

BY Atty. BATAS MAURICIO

INSPIRASYON SA BUHAY: “… `Wala ng pag-ibig ang hihigit pa kaysa dito: ang ialay ang iyong buhay para sa iyong mga kaibigan’…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, sa Juan 15:13, Bibliya).

LIFE’S INSPIRATIONS: “…`Greater love

* * * *

DAGDAG NA FACEBOOK GEMS: Eto pa po ang mga karagdagang “Facebook gems” (o mga “alahas” mula sa Facebook) na alam kong makakabuti sa atin kung ating mababasa at pag-aaralan ng masusi, basahin po natin:

Mula kay Rotary Club of Pasay Millenium Past President Mila Almario Manabat, hango niya kay Michael Brook: “Ako ay pinagpala hindi dahil sa ako ay may ginawang mabuti, kundi dahil talagang napakabuti ng Diyos.”

Mula naman kina Felipe Gabriel at Juanito Datu Gragasin, mga kaklase noong high school sa Dr. Nicanor Reyes Memorial Colleges: “Ang maruruming mga kamay ay tanda ng malinis na pera”.

* * * *

MGA TUNAY NA KAIBIGAN: Eto ang ilang mula kay Felipe Gabriel lamang: “Sa buhay, di nawawala ang ating mga kaibigan. Ngunit, napapag-alaman lamang natin kung sino ang mga tunay na kaibigan sa kanilang hanay.”

Hihingi ang mga kaibigan ng diskuwento sa kanilang mga kailangang babayaran sa iyo. Pero, ang mga tunay na kaibigan, magbabayad sila sa iyo ng buo, upang ikaw ay bigyang-suporta, pati na ang iyong gawain at ang iyong oras.”

“Pakinggan mo ang mga nakatatanda sa iyo hindi dahil lagi silang tama kundi dahil mas marami silang karanasan sa pagiging mali.” At mula naman kay Jo Clemente: “Responsibilidad ko ang sinasabi ko, pero wala akong pananagutan sa pang-unawa mo.”

* * * *

AKUSASYON VS. LP, TRILLANES, IKINAKALAT: May tila paninirang ikinakalat ang ilang mga Facebook users laban kay Sen. Antonio Trillanes IV at laban sa Liberal party na dapat sagutin agad ng mambabatas at ng partido.

Ganito po ang sinasabi ng isang Facebook post ukol sa kanya, basahin po natin: “Dapat malaman ng lahat ng AFP, PNP, BJMP, BFP at PCG retirees. Si Sen. Antonio Trillanes ang may akda ng batas na nag-aalis ng pension increase ng retirees kung ang mga aktibong members ay may salary increase.

“Ito ay pinagtibay ng mga Liberal Party congressmen at senador, bilang pagtugon sa kagustuhan ni PNoy  at (Budget Secretary Florencio) Abad na huwag ng dagdagan ang pension ng mga retirado. Kaya ang dapat nating gawin ay huwag iboto ang mga kandidato ng Liberal Party. Ipaalam ito sa lahat ng retiradong pulis, sundalo, atbp…”

* * * *

MAKINIG: “Ang Tanging Daan”: isang Bible study at prayer session  sa Internet ay mapapakinggan na ng 24 ORAS, sa Pilipinas at sa buong mundo, sa Facebook, sa www.facebook.com/angtangingdaan at www.facebook.com/ANDKNK  (sa ANDKNK, hanapin po “Ang Tanging Daan” daily broadcast). Telepono: 0922 833 43 96, 0918 574 0193, 0977 805 9058. Email: batasmauricio@yahoo.com.