Robredo una na sa SWS survey PDF Print E-mail
Tuesday, 26 April 2016 11:40

Nanguna na si Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo sa bagong survey ng Social Weather Stations.

Sa survey na ginawa mula April 18 hanggang 20 at may 1,800 respondents, nakakuha si Robredo ng 26 percent habang si Sen. Ferdinand Marcos Jr. ay may 25 percent.

Nakakuha si Robrdo ng dagdag na pitong puntos mula sa huling survey na ginawa noong March 30 hanggang April 2.

Ikatlo si Sen. Chiz Escudero na may 18 percent habang sina Sens. Alan Peter Cayetano, Antonio Trillanes at Gregorio Honasan ay may 18, 5 at 2 percent, ayon sa pagkakasunod.

Ayon sa political political science professor na si Edmund Tayao, ang pagtaas ni Robredo ay dahil sa maganda niyang performance sa mga nakaraang debate at sa epektibong strategy ng kanyang kampanya.

Sa Bilang Pilipino-Social Weather Stations (SWS) mobile survey na ginawa pagkatapos ng ikalawang debate noong April 17, 33 porsiyento ng tinanong ay nagsabing si Robredo ang nagwagi.

Kilalang abogado ng mahihirap, nagbigay si Robredo ng libreng serbisyong legal sa mahihirap na sector ng lipunan, kabilang ang magsasaka, mangingisda at inaabusong kababaihan sa mahabang panahon bago naging mambabatas.